Sa apat na sulok ng classroom sari saring karanasan ang ating nasasaksihan. May mga taong nakakasalamuha bawat araw. May kanya kanyang pananaw, pagkakakilanlan sa bawat bagay na pilit inuunawa ng bawat isa. Mga alalang nabubuo sa pamamagitan ng pagkakaisa, mga ngiting nasisilayan sa tuwing nagkakasaya. Ngunit sa kabila ng liwanag sa apat na sulok ng classroom, may madilim na parte pala ito. May mga bagay na iilan lang ang nakakaalam, mga sekretong kusang nabubunyag at higit sa lahat sa dating masaya, puno ng magagagandang alalang silid ay unti unting napalitan ng poot, sakit, galit at pagkamuhi.
Tuloyan na nga bang mababalutan ng dilim ang dating nagliliwanag na classroom na iyon? Sino ang may pakana? Ang salarin? At sino nga ba papatay, mamamatay? Nasa silid nga bang iyon ang may sala? O ibang elemento ang may gawa?
Pero isa lang ang alam ko, may bahong sisingaw ulit. Dugo ay dadanak ngunit lahat ay patuloy na mananahimik.