Mula ng makita ni Hestia si Hermes hindi na ito mawala sa kanyang isipan. Kakaiba ang hatid ng binata sa kanyang puso. Akala ni Hestia ang pagmamahalan nila ni Hermes ay hanggang wakas subalit nagkamali siya dahil sa araw ng kanilang unang anibersaryo ay nakipaghiwalay si Hermes sa kanya. Ngunit, kahit hiwalay na sila, si Hestia ay hindi nawawalan ng pag-asa na magkakabalikan sila. Siya ay naniniwala na si Hermes ang lalaking nakatadhana sa kanya kaya gagawin niya ang lahat bumalik lang ito sa piling niya. Umaasa siyang magbabago ang isipan ni Hermes at magpapatuloy ang naudlot na pag-iibigan. Para kay Hermes si Hestia ang pinakamahalagang babae sa kanyang buhay kaya mas nanaisin niyang makita itong nasasaktan sa paglayo niya kaysa mapahamak. Ang kanyang paglayo ang paraan ng pagmamahal niya at protektahan ito sa nakaambang na panganib. Ang pag-ibig ba ni Hestia ang makakatulong upang makawala si Hermes sa masamang gawain o ito ang magiging hadlang sa inaasam na wagas na pag-ibig ng dalawa?
Detail lengkap