Nerd, boring at weird sa lahat ng weird yan ang description ng lahat kay Trisha Cassandra Nicolas Cruz. Paano ba namang hindi unang-una try mo kayang kausapin ang aquarium na wala namang lamang isda, umiyak dahil namatay ang alagang cactus diligan mo ba naman maya-maya, hindi kaya iyon malunod at ang pinaka-malupit hindi pinansin ang nanay niya ng isang linggo dahil sa namatay na daga sa inilagay nitong trap sa palagid ng bahay nila oh..ha di ba matindi. Pero ayos lang iyon para sa kanya basta mahal siya ng mommy niya at ng mga kaibigan na walang ginawa kundi awayin at pagalitan siya ayos na. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng mawala niya ang red high heels na pinahiram sa kanya ng isang kaibigan sa isang party kung saan isinama siya nito dahil ang nakadampot lang naman ay ang hearthrob ng school nila na si Kent Mathew Navarro, ofcourse hindi niya kilala ito dahil wala naman siyang paki sa nangyayari sa mundo hindi niya kilala kung sino ang mga bagong artista ei..at higit sa lahat napagkamalan niya pa itong mukhang gagawa ng masama sa kanya assuming ba, nagulat nalang siya isang araw nang mag-propose ito haha syempre nung una nagulat siya at nag-react ng over ikaw kaya ang pag-propose-san ng "Pwedi ka bang maging alalay for one week" dyos ko..kunin mo na ako lord nasira ko daw kasi ang motor niya na hindi ko naman sinasadya. Pero ng dahil sa pagpayag kung maging alalay niya for one week na napilitan lang nadiskubre kong hinahanap pala niya ang girl na may suot ng naiwang red high heels sa party kung saan niya ito unang na-meet lihim siya syempreng napangirit abot hanggang pluto pa nga ei. syempre hindi muna sya aamin, papahirapan niya munang maghanap ito sa mysterious girl na iyon dahil sa ginawang pang-aalipin nito sa kanya. Pero ng handa na siyang magtapat tsaka naman umintrada ang real owner ng shoes at walang iba kundi ang bestfriend niya pa huhu anong gagawin niya lalo na't pagnaglalambingan ang mga ito sa harap niya sarap buhusan ng ice bucket?!