. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Busaw 1: Busaw, Unang Pagsibol). Kasing lakas siya ng kanyang mga magulang, kasing-makapangyarihan pero sa pag-ibig ba'y kasing tapang rin nila??? ********** "Sabihin mo na ang kailangan mo, ang gusto mong makuha para sa madaling panahon ay makaalis ka na rito.” aniya at tinitigan ako habang itinataas ang zipper ng pantalon niya. “Maipapangako ko ang kaligtasan mo ngayong gabi pero sa pagsikat ng araw at sa muling pagkalat ng dilim ay ‘di ko na hawak ang pagkakataon... alam na nila ang tungkol sa’yo.” Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya nang bumalik siya sa dati niyang kinauupuan. “S-sinong sila?” nakuha kong itanong. Wala kasi akong alam na sabihin kundi’ naiisip ko lamang ngayon na ganito pala katindi ang resulta nang paghahanap ko lamang sa gamot ni Stella. Hindi agad siya sumagot. Maayos siyang humarap sa akin at kahit ‘di ko na naman nakikita ang buong mukha niya’y alam kong tinititigan niya ako. “Sinong sila?” ulit niya. “Sila lang naman... ang kapatid ko, maaaring pati ang mga magulang ko at malamang... ang mga kalahi ko.” Napalunok ako ng ilang beses sa narinig ko. Buong angkan ba ng halimaw ang gustong pumatay sa akin? Doamne, te rog ajută-mă... (Lord, please help me...) by: ionahgirl23 . .All Rights Reserved