A surprise blind date. Iyon ang inanunsiyo ng kaibigan ni Vanessa sa kanya pagdating nila sa isang cosplay party na noon lang niya dinaluhan sa tanang buhay niya. Surprise din ang ka-date niya kaya laking gulat niya nang si Nate pala ang lalaking sinasabi nito. Ang playboy na anak ng kaibigan ng kanyang ama. She tried her best to get away from him subalit para itong glue na dikit ng dikit sa kanya nang gabing iyon. Hindi man nito nakilala ang identity niya, ipinangako nitong hahanapin siya nito. Biniro pa siya ng tadhana dahil ito ang makakasama niya sa kanyang trabaho. Her feelings for him began to change as days pass by. Unti-unti, nahuhulog na ang loob niya kahit ano pa man ang pigil niya. Lalo pa siyang nalito sa damdamin niya nang ligawan siya nito. Subalit kung kailan handa na siyang harapin ang damdamin niya at aminin ang lahat, ay saka niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya nito.All Rights Reserved