10 parts Ongoing Paano nga ba mag-move on? Hanggang kailan mo mararamdaman 'yung sakit na paulit-ulit mong tinatago sa bawat ngiti? Hanggang kailan mo tataglayin 'yung bigat na ayaw bitawan ng puso mo-kahit gusto mo na ring makalaya?
Ang hirap, 'di ba? Hindi naman kasi madaling mag-move on, lalo na kung 'yung isa... masaya na, habang ikaw, naiwan pa rin sa gitna ng mga alaala. Para kang naglalakad sa ulap na puro "sana," "bakit," at "paano kung."
Ako nga pala si Vince.
At ito... ito ang kwento ng isang taong natutong maghilom, dahan-dahan.
Isang taong muntik nang sumuko sa sakit ng pag-ibig, pero piniling bumangon pa rin.
Tatlong taon na mula nang maghiwalay kami. Oo, tatlong taon-pero bakit parang kahapon lang? Samahan mo 'ko. Hindi para lang balikan ang nakaraan, kundi para maintindihan kung paano nga ba talaga magmahal, masaktan, at sa huli... matutong bumitaw.