-COMPLETED-
Huwebes, eksaktong alas otso ng gabi. Ang natatanging sandaling magkasama ang pamilya Carmona. Madalas ay abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa, kaya hindi maipapagkakailang nakakalimutan ang isa't-isa kahit nakatira lang naman sa iisang tahanan.
Sa gitna ng kasiyahan, biruan, maging kwentuhan, eksaktong pumasok ang gulo. Sinira hindi lang ang kanilang ari-arian, pati ang buhay ng iilan sa kasamahan ni Beatrize, ang pangatlo sa anak ng mag-asawang Carmona.
Bakit? Bakit kailangang paslangin ang mga taong mahalaga sa kanya?
Huli na para tumakas ang dalaga, dinakip siya ng isang lalaking nakakapagtatakang pamilyar sa kanya, kahit pa man may takip ang mukha. May kakaiba sa mga mata nito, tila ba minsan nang nakasalamuha.
Sino siya?
Sinubukan ng dalagang manlaban, para sa sariling buhay at hustisya na maaaring maibigay pa sa mga nasawing miyembro ng pamilya. Ngunit hindi inasahang mawalan ng kontrol ang sasakyang minamanyobra ng kriminal. Pasuray-suray, sumuong sa ibang direksyon, hanggang mabangga.
Isang abandonadong mansyon ang kanilang nabungaran. Bagay na hindi inaasahang nakatayo pala sa naturang lugar.
Hindi siya maaaring magkamali, ito ang abandonadong mansyon na madalas mapanaginipan.
Ano ang ang meron sa lugar?
Kalaunan ay napagtanto ng dalaga na ang bawat nangyayari ay hindi nagkataon, sinadya talaga upang buksan ang isang katotohanan. May kwento siyang dapat malaman. Bagay na kung tutuusin ay dapat patay na ngayon, pinaglumaan na ng panahon. Nararapat lang kalimutan. Ngunit dahil sa matinding damdamin, kagustuhan at pangungulila, ngayon ay muling mamamayagpag.
Pinapalibutan ng misteryo ng buong lugar. Misteryong siya ang hinihintay na lumutas.
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization.
Looking for VOLUME1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614-project-loki-volume-1
Looking for VOLUME 2? Read it here: https://www.wattpad.com/story/220978938-project-loki-volume-2
Cover Illustration by Chiire Dumo.