Ang pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bitiwan at layuan ka? Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa? "MALI BA ANG IBIGIN KA?" Matatanggap din nila tayo--kapag tama na ang mali at puwede na ang hindi.