Si Janne ay isang babaeng simple lang,hindi maganda at hindi din pangit. Tahimik lang sya at hindi umiimik kapag hindi kinakausap. Wala siyang ibang inaatupag kundi ang kanyang trabaho bilang isang encoder. Hindi niya napapansin ang mga sekretong pagsulyap sa kanya ng kanilang boss Si Jarred naman ay isang arogante,istrikto at babaerong boss. Siyang ang CEO ng kumpanyang pinapasukan ni Janne. Pasekreto niyang pinagmamasdan ang babae na para bang may kung anong meron dito at hindi niya maiwasang maapektuhan sa presensya ng dalaga.