Hindi ko lubos maisip kung paanong ang isang ordinaryong babae na tulad ko ay napunta sa isang eskuwelahan na mga demonyo pala ang nagpapatakbo. Ang alam ko kasi, normal na tao lang ako at ang pamilyang pinanggalingan ko. Ang pagpatay ang tanging paraan para makapagtapos ng pag-aaral sa K-High. We were trained to be assassins and killings were normal part of our daily routine. Pero kahit ganoon ang kalakaran sa eskuwelahang iyon pilit kong pinapanaig ang pagiging makatao. I'm trying my best not to have blood in my hands. Pero maraming pangyayari ang nagpabago sa pananaw ko. Para maipaghiganti at maprotektahan ang mga taong naging mahalaga na sa buhay ko, siguro nga ay kailangan ko nang makipagsabayan sa mga estudyante sa K-High. Kailangan ko na ring dungisan ang aking mga kamay. Hanggang sa hindi ko inaasahan na may isang tao na magbibigay ng dahilan para hindi ako tuluyang maging isa sa kanila. Maybe what he said was true. Killing might not be the only option.