Maria_Sedussa's LOVE more than DOPE Nagkakilala sina Elise Madrigal at Dave Dunkan nang sila ay maging kaklase sa Bagong Bayan University, pareho ang kanilang kursong kunukuha kaya hindi naglaon ay naging malapit ang loob ng dalawa sa isa't-isa. Hindi lubos maintindihan ni Elise kung bakit isang araw ay nakaramdam siya ng kakaiba kay Dave. Hindi nagtagal ay nalaman ng dalawa na minamahal nila ang isat-isa. Hindi naging madali ang relasyon nila dahil sa dating karelasyon ni Dave na si Krissa Grande na dating kaibigan ni Elise, hindi mapagkakaila na malakas ang sex appeal nito, kaya hindi kaagad mapigilan ni Dave na hindi mahulog sa tukso. Sa sobrang pagmamahal ni Elise sa lalaki ay ipinaglaban nya ito dahil para sa kanya ay hindi nasusukat ng pagtatalik ang pagmamahal.