Josh McKinley's life was perfect. Nasa kanya na lahat. Looks, brains, money, power, pero may iisang problema lang talaga.
Hindi na kumpleto ang pamilya nya.
Namatay ang dad nya sa isang car accident a decade ago, at ang naging resulta ay ang pagta-take ng drugs at paglalasing ng mom nya, pero buti nalang at nakakatrabaho parin ng maayos. Kung di lang talaga kay Josh, siguro ngayon ay wala na rin mom nya. Sa 11th Death Anniversary ng Dad nya nakilala ang hindi nya inaakalang anak ng nakabungo sa Dad nya.
Meet Beatrise Santiago. Simple. Morena. Matalino. May kaya. Kahit nangungulila na sya sa mga magulang, nakakaya nya parin mabuhay ng normal, at nagpapasalamat sya dahil kinupkup sya ng tita nya.
Araw-araw, iniisip ni Beatrise, bakit kailangan pa Nya kunin ang magulang nya? At dalawa pa sila? Araw-araw syang napapaiyak habang binabalik balikan ang araw na iyon. Ang araw ng pagkamatay ng mga magulang nya. Nagkabanggaan daw sila ng isa pang kotse na ikinamatay din ng driver, pero nabuhay ang pasahero. Ang swerte pa nga nun eh, nabuhay pa ung nanay. Sa 11th Death Anniversary nya mabubunggo ang hindi nya inaakalang anak ng driver.
Nagsimula silang dalawa sa hindi pagkasunduan, pero nung magtagal, nagkadevelopan na din.
~
"Alam mo yung perfect equation para sa atin?" Tanong ni Josh sa akin.
"Hindi eh. Anu yun?" Tinitigan ko lang sya habang napapangiti na rin kaming dalawa.
"Ganito oh." Tinaas nya ung isa kong kamay at shinape nya ito sa half na heart, "You," Tinaas nya rin ung isa nyang kamay na kashape rin ng half heart, "plus Me," Pinagdikit naming dalawa ung kamay namin, at sabay naming sinabi, "equals Forever."