One Real Love of One Real Guy
ONLY REN'S POV
Tama! AKO LANG magkwekwento sa buong story na ito!
Isa akong babae na nangarap ...
Nangarap . . . . .
NANGARAP.
Libre lang kaya kahit imposible iniisip ko.
Minsan nga tatawa at kikiligin ako habang nakatingin sa malayo habang bumabyahe. (Mukhang timang lang)
Pati nga sila Daniel Padilla, Enrique Gil, at James Reid naging boyfriend ko na dahil sa sobrang pag-iilusyon ko. Ang haba ng hair diba? (Ang saya kaya. Try nyo. Hahaha)
Pero syempre alam kong hanggang sa pangarap lang ang lahat ng iyon.
Sino ba ako? I'm JUST XYRENE "REN" CELESTE SLASH MISS NOBODY.
Mapapansin ba ako ng mga hombre na ito?
Hmmm ... Pwde ... Kung bigla na lang ako papasok sa kwarto nila at guguluhin sila. (Naku baka makulong ako noon. Kalokang invasion iyon kapag nagkataon)
Hays. Pagpasensyahan nyo na ako sa aking kabaliwan.
Hindi ko na tuloy naintro ng maayos ang story na ito.
Hem ... Hem ... (Serious)
He came down from heaven.
He makes my dreams come true.
Natuto akong sumugal at kalabanin ang tadhana kasama nya.
He proves nothing is impossible.
He's ONE REAL LOVE conquer all my fears.
Thank God you gave me this ONE REAL GUY.