Helga
  • WpView
    LECTURAS 2,186
  • WpVote
    Votos 296
  • WpPart
    Partes 29
WpMetadataReadConcluida dom, ago 30, 2020
Sa loob ng isang simpleng eskwelahan kapansin-pansin ang isa sa mga babaeng estudyante sapagkat nakasuot siya ng bulaklaking belo, maamo ang mukha niya, mahinhin kung kumilos at mahinahon magsalita, palagi siyang nakangiti sinuman ang masalubong niya. Gayunpaman, hindi siya lapitin ng kapwa niya mga estudyante sapagkat maling motibo ang nakikita nila sa pagiging matulungin nito sa kanilang mga guro, 'sipsip' ang tawag nila sa kanya, 'weirdo' naman kapag sinasalubong sila nito ng matamis na mga ngiti araw-araw, 'may sariling mundo' kapag ito'y mapag-isa at animo'y palaging nagmumuni-muni ngunit lingid sa kaalaman ng mga mangmang na kabataan ay nagdadasal lamang siya. Ang tinutukoy ko ay si Helga Clemente na ampon ni Father Luis at lumaki sa kumbento ng payak na bayan ng Santa Rita. 'Bakit ba siya nakabelo? Feeling madre porke't laki sa simbahan.' Ngunit alam ni Helga na oras na hubarin niya ang kanyang belo at ilantad ang kanyang ikinukubli ay lalong titindi at dadami ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Paalala: Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda, anumang pagkakahalintulad sa realidad ay nakakatakot ngunit hindi sinasadya.
Todos los derechos reservados
#8
horrorfiction
WpChevronRight
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • Ang Babae Sa Kawayanan
  • The Innocent Killer (Tagalog)
  • "A Scented Soul's Chances" [COMPLETED] #2ndBook
  • Devil's Touch (COMPLETED)
  • VILLA DELA MUERTE
  • Psst... Apo! (Published under BOOKWARE: BALETE CHRONICLES)
  • No One Knows (Completed)
  • Karen Deryahan

Broken hearted si Jun nang mas piliin ng babaeng mahal niya ay iba. Halos mabaliw siya at nagtangkang magpakamatay kung hindi lamang siya napigilan ng kanyang mommy. Ipinayo ng doktor na dalhin siya sa lugar kung saan siya makakapagpahinga at makakapagbakasyon. Naisip nang pamilya niyang umuwi sila ng probinsiya sa Batangas nang Semana Santa dahil lahat ay nakabakasyon. Bantulot man si Jun ay pumayag na din siya para maiba din ang kanyang kapaligiran at nang makalimot. Sa byahe nila, may nadaanan silang nagkakagulong mga tao at napagtanungan ng kanyang daddy kung anong kaguluhan meron. Sabi ng lalake na kanila palang kamag-anak ay may nagbuwis na naman daw ng buhay sa lawa. Hindi ito maintindihan ni Jun. Anong buwis ng buhay? Pagdating sa bahay ng kanyang lolo ay walang ibang ginawa si Jun kundi magkulong sa kanyang kuwarto at mapag isa. Isang hatinggabing maalinsangan, ay binuksan ni Jun ang kanyang bintana at nagpahangin. May napansin siyang isang nakaputi na umaaaligid sa may kawayanan. Tinanaw niya itong maige at napansin niyang babae. Ano'ng ginagawa ng isang babae nang ganitong oras sa kawayanan? Anong misteryo meron ang kanilang lugar at ano ang koneksyon ng babaeng nakita niya sa nagbubuwis ng buhay dito sa lugar nila? Isang bakasyong hindi malilimutan at makakapagpabago kay Jun.

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido