NEMATODA: Antipathy (BL Sci-Fi)
35 partes Concluida Contenido adultoA SEQUEL OF NEMATODA
United they stand. Divided they fall.
Pero hindi sila Four at Porter.
Nang makompromiso at lusubin ang lungga nila sa Veridel matapos pagtaksilan ng isa sa mga inaakalang kasama nila, at mahiwalay sa isa't-isa, imbis na mabalutan ng matinding kalungkutan, mas nangibabaw at mas umigting pa ang tiwala nila sa isa't-isa.
Habang nakikipagpatintero sina Four at Thina sa Anthill ng GDA bilang mga players sa isang laro kung saan makikipagpatayan sila sa kapwa nila Host-X, nakipag-alyansa naman sina Porter, Froylan, at Usharo sa bago nilang nakilalang kakampi, ang Antiferon. Kahit papano 'yon ang pinaniniwalaan nila.
Bagama't pinaghiwalay man ng distansiya, nanatili naman ang pag-ibig nila sa isa't-isa-na kahit hindi man nila kita ang bawat isa nang personal, alam nilang hindi sila bibiguin ng kanilang pagmamahal. Pero magiging sapat ba ang pag-ibig na 'to para ibalik ang minsang nagdadaluhong halimaw?
Sa pagtapak nila sa bagong mundo, napagtanto nilang may mas malaki pa palang problema, at ito ang rason kung bakit nangyari ang lahat. At ito rin ang lalamon kina Four at Porter pabagsak sa madilim na kawalan ng bagong hamon at karanasan.
Ang NEMATODA: Antipathy ay ang kasunod na kuwento ng naunang libro na NEMATODA. Sa unang libro, sinamahan natin sina Four at Porter kung paano nila hinarap ang Outbreak at paano nila tinanggap ang bagong bersiyon ng kanilang sarili na siyang ginamit nila para pabagsakin ang isa sa mga rason sa likod ng nangyaring trahedya. Sa librong ito, mas susukatin ang tiwala at katatagan ng lahat habang naglalaro sa palad ng mas malaking banta. Mapipilitan silang magdesisyon nang labag sa kalooban nila at magtiwala ulit kahit sa naranasang pandaraya. May makilala. May mawawala. May magiging kampi. May magiging kalaban.
Ngayon, tatanungin kita, "Ipagkakatiwala mo ba sa pag-ibig kung buhay mo na ang nakataya?"