WARNING ⚠️ ⚠️ ⚠️ This is my very old story that I am going to republished, so expect some cringed and funny parts that I didn't edited. Ma-iinlove ka pa kaya kung ang iniisip at iniimagine mong almost perfect guy ay may itinatago palang malaking sikreto na maaaring magsimula ng gulo sa buhay mo. "Ang pogi n'ya talaga..." Bulong ko habang pinapanuod maglaro ang lalaking nakakuha ng atensyon ko sa sport fest namin. "Ano ba 'yang binubulong-bulong mo d'yan Haven? E kung isigaw mo kaya iyan nang marinig n'ya‚ hindi ba?" Sabi sa'kin ng kaibigan kong si Keya. 'Oo nga naman, wala namang mawawala sa'kin kung susubukan ko.' Bulong kong muli sa aking sarili bago nag-ipon nang lakas para sumigaw. "GO NUMBER 25, ANG POGI MO! CRUSH NA ATA KITA!" Mabilis at malakas kong sigaw sabay tago sa bag ko na nakapatong lang sa mga hita ko. "OH MY! Did he just smiled at me?!" Kilig na kilig kong sabi kay Keya habang niyuyogyog siya. Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko dahil sa mga nangyayari at hindi ko na namalayang napasigaw na naman ako. "GO LOVE NUMBER 25! I LOVE YOU!" Buong lakas kong sigaw dala ng pagkakilig. Natigilan naman ako sa aking pwesto nang mapagtanto kong nakatingin na pala ang lahat sa akin.
3 parts