[Loving You Epistolary Series #2] Focus sa ginagawang marketing research si Nikki Velasquez nang makilala niya ang accountancy student na si Tristan Matsunaga, ang rinekomendang respondent ng kanyang kaibigan. Kahit na nasalo ng lalaki ang buong toneladang kaguwapuhan na ibinuhos ng langit, hindi naman nagustuhan ni Nikki ang ugali nito kahit na iba ang sinasabi ng nasa paligid nila. Paanong ang simpleng survey magiging daan sa pagbukas ng relasyon ng dalawa? Paanong ang simpleng tanong ni Tristan magiging daan sa paglambot ng puso ni Nikki? WARNING: For kilig purposes only.