“Sa isang malayong lugar sa bayan ng Pinacpinacan, may isang babaing nagngangalang Kyena. Siya ay masipag, mabait, maganda ang kalooban at higit sa lahat malapit sa Panginoong may kapal. Dahil sa di inaasahang pangyayari na kanyang naranasan, biglang nagbago ang kanyang buhay. Sa tulong ng isang mahiwagang pambura na ipinagkaloob ng isang anghel naranasan niyang matanggal ang sakit na kanyang nararamdaman."