Halos mawalan ng katinuan ang nakababatang kapatid ni JIN Sebastian nang lokohin ito ng kasintahan nito. Sinubakan nitong magpakamatay na naging sanhi ng pag-usbong ng matinding galit sa kanyang puso. Ang naramdaman niya ay nagtulak sa kanya upang gumawa ng mali. Kaya nangako siyang gaganti sa taong sumira sa buhay ng kapatid niya. Ang lahat ay nahulog alinsunod sa kanyang plano; ang landas niya at ang babaeng may ambag sa nangyari sa kanyang kapatid ay ipinagtagpo. Nang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang tagumpay ay may natuklasan siya. Nagsimula siyang maguluhan at parang masisira nito ang plano niya. Gayunpaman tatapusin ni Jin ang kanyang naumpisahan. Kahit anong katotohanan ang malalaman niya sa hinaharap hindi niya hahayaan na ang kanyang paghihiganti ay mauuwi sa wala. Pero paano kung may kasinungalingan sa likod ng kanyang pinaniniwalaan? Paano kung lahat ng akala niya ay hindi totoo? Handa niya bang harapin ang responsibilidad para sa kanyang ginawa? Maaayos niya kayang muli ang buhay ng taong sinira niya? Genre: Romance
15 parts