19 parts Ongoing MaturePaano kung tahimik kalang nag tratrabaho, tapos nabalitaan mo nalang na may bago na kayong boss?
At hindi lang basta boss! Kung hindi kilalang kilala mo at minsan nang naging parte ng buhay mo at ang taong minsan nang nagparamdam sa'yo ng iba't ibang pakiramdam. Kasiyahan, pagmamahal, galit, lungkot at matinding sakit. Oo, Matinding sakit! Makakaya mo ba? Makakaya mo bang harapin at makitang muli ang taong nanakit at nagwasak sa'yo?
Kaya mo bang harapin ang iyong boss na siyang naging dati mo nang naging kasintahan at ang malapit na sanang maging asawa? Kaya mo ba?
Kasi kay Valentina Felise Gonzales, ay kakayanin.
Kakayanin niyang harapin ang kan'yang boss, kahit na may kinikimkim siyang galit, puot, kirot, at sakit, sa puso niya.
Sayang daw kasi ang kan'yang sweldo kung aalis siya kaagad. Gagawin niya rin ang lahat ng makakaya niya para maiwasan ito.
Handang handa siyang magtrabaho mula sa lalaking minsan nang minahal ang lahat sa kaniya at ang lalaking nangakong papakasalan siya, na siya ring nanakit at nanloko sa kan'ya.
At higit sa lahat ang lalaking...ama ng anak niya.