




![The Successor [ Book 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/326555468-256-k465368.jpg)




"Ang lalaki ay para sa babae, at ang babae ay para sa lalaki-ngunit ang pusong may espesyal na lugar para sa isang tao ay hindi maaaring diktahan." Si Menami Marquez ay nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Dahil palagi silang abala sa trabaho, bihira niyang maranasan ang atensyon na kaniyang hinahangad. Kaya naman nasanay na lamang siyang mag-isa at hindi rin niya gusto na napagtutuunan siya ng pansin ng kahit na sino man. Ngunit paano kung bigla siyang mapansin ni Andrea Gustavo, ang pinakasikat na mananayaw sa kanilang campus na lingid sa kaalaman niya ay mag paparanas sa kaniya ng mga bagay na hindi pa niya naranasan-ang mapansin, pahalagahan, at laging unahin. Tatanggapin ba niya iyon ng buo?o iiwasan dahil hindi iyon ang nakasanayan na pag-mamahalan ng buong mundo?
More details