Binilang mo rin ba? Ang mga araw nating dalawa? Mga unang araw na nagkakilala tayo noon. Mga sumunod na araw na parang tadhana ang bawat pagkikita... Ako lang ba ang nagbabalik tanaw sa mga araw na yun? Mga araw na masaya akong mahalin ka, bilang ng mga araw na magkasama tayong masaya. Nakita mo na ba simula pa noong una na ganito ang kahihinatnan ng istorya nating dalawa? Na magbibilang ako ng araw na paghihintay sa'yo...darami ang araw na pagdududahan ang pagmamahal mo... Magbibilang ng araw na iiyak dahil sa'yo... At least ngayon, tapos na iyon.
More details