Synopsis: Ang lupain ng Sedali ay nabubuo sa apat na kaharian, Sa hilaga, timog, silangan at kanluran. Ang hari ng Sedali Empire na matatagpuan sa sentro ng lupain ay si Haring Dezitor. Bawat prinsesa na anak ni Haring Dezitor ay may kaharian at lipi na dapat pamunuan pero naiiba ang kaharian sa katimugan dahil ito ang kaharian ng mga patay na pinamumunuan ng sakim na kapatid ni Haring Dezitor, si Dmitrii. Iibig ang tatlong prinsesa sa dalawang tao na napadpad sa kanilang mundo. At upang maisakatuparan ng kanilang tiyo ang paghihiganti, gagamitin niya ang dalawang ito upang kontrolin ang puso, pananaw at layunin ng mga prinsesa. Si Prinsesa Sesta ang mapalad na nakatanggap ng pag-ibig ng dalawang tao at alam niya na iniibig niya rin ito ngunit kabaliktaran naman sa kaniyang mga kapatid dahil umiibig ang mga ito dalawa. Kaya ito ang magiging daan ni Dimitrii upang makamtan ang ganap na paghihiganti kay haring dezitor, ang kanyang karibal na kapatid, sa trono at sa pag-ibig ni Reyna Plidari. Sumibol ang malawakang digmaan sa lupain ng sedali sa pamumuno ni Dmitrii at ng dalawang Prinsesa sampu ng kanilang mga lipi at kaharian. Ito ang labanan ng kapatid sa kapatid at ama laban sa anak, kaharian sa kaharian. Isa lang ang pwedeng manatili upang mapamunuan ang buong sedali. Pag-ibig, tapang at talino. Ito ang sukatan ng susunod na mamumuno.