Tatlong taon nang magkasintahan sina Patricia at Luis nang magdesisyon si Luis na ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa sa kadahilanang nandoon ang kanyang buong pamilya at tanging sya na lamang ang naiwan sa Pilipinas. Kahit labag man sa loob ng dalagang si Patricia na mawalay sa kasintahan ay nirespeto nya na lamang ang desisyon nito. Ngunit isang pangyayari ang makakapagbago sa relasyon nilang dalawa.