Isang estranghero ang nakilala ni Melissa sa subdibisyon ng bago nilang bahay. Unang pagkikita pa lang nila ng lalaki ay humanga na sya rito. Aaminin nya na sa itsura sya nito nakuha, paano ba naman kasi, parang kasi itong fictional character ng mga nababasa nyang libro. Hindi nya lubos maisip na may ganoong kaguwapong nilalang na nabubuhay sa mundo. Ngunit ang paghangang iyon ay bigla na lamang naglaho dahil sa isang larawang natagpuan sa bodega ng kanilang bagong bahay.