Si Calli Zeleste Manabat ay isang babae na ang buong atensyon ay nasa pag abot lamang ng kaniyang pangarap. Ang mga personal na bagay ay hindi niya pinagtutuunan ng pansin sapagkat para sa kaniya ay makakasira lamang ito sa Kaniyang pangarap. Ngunit may mga pangyayari na hindi niya lubos na maunawaan kung bakit kailangan mangyari sa kanya ang mga 'yon. Sa tuwing nasa panganib ang kanyang buhay ay palaging may lalaking nagliligtas sa kanya. Nanatiling misteryoso sa kanya ang pagkatao ng lalaki'ng 'yon, hanggang sa makilala na niya ito.