Isa ka rin ba sa mga pinangakuan? Ngunit sa paglipas ng panahon ay iniwan? Isa ka rin ba sa mga inalayan ng tula? Ngunit hindi ipinaglaban kahit na sa mga tala? Isa ka rin ba sa sinamahan sa iyong kalungkutan? Ngunit sa huli, tinalikuran ang inyong mga kasiyahan? Isa sa mga pinasaya, ngunit siya ring dahilan ng iyong pagdurusa? Kung ganoon... Itong tula na ito ay para sa iyo. Kaya't ano pa ang iyong hinihintay? Samahan mo na akong mag-kape at isipin ang mga bagay. Kung bakit dito sa mundo... lahat ay mabilis na naglalaho.