"Basta tutuparin ko ang pinangako ko noon. Ano pa bang kulang? Di pa ba sapat yung pagmamahal na pinakita ko simula nung bata tayo hanggang ngayon? Kaya ko pang higitan pa kung kulang talaga. Tangina wag mo ko saktan ng ganito. Mahal na mahal kita."
"Pero ... Mahal din naman kita. Mahal na gusto ko habambuhay na akin ka na. Kaso masakit eh alam mo yun. Pag may pagkakamaling nagawa ang isa satin. Pwedeng ikatapos yun ng mahabang pinagsamahan natin. Kaya please wag mo na ko pahirapan. Okay na ung ganito. Di ko pa alam sa sarili ko kung handa na kong maging tayo."
-----
Meron ka bang chidhood friend o childhood sweetheart. Yung magkasama kayo laging naglalaro tapos nagpapangakuan kayo sa isa't-isa. Habulan dito habulan doon. Yung para bang walang problema.
Pero ngayon na malaki ka na kasama mo pa ba sya? Nagkikita pa ba kayo? Nagkakausap? o Nagka-feelings ka na ba sa kanya dahil sa tagal ng pinagsamahan nyo?
Mas pipiliin mo ba na hanggang CHILDHOOD SWEETHEARTS lang ang turingan nyo kesa i'level up into LOVERS?
CHILDHOOD SWEETHEARTS
by: oppaownsme
All RIghts Reserved. Copyright 2014.
[] Any resemblance to the story's characters, place, date and scenes are purely coincidental.
-oppaownsme