Sa panahon ngayong mahirap ng makahanap ng tunay na pagmamahal dahil kadalasan ay nakabase na lahat sa panlabas na kaanyuan. Maraming nagsasabing hindi nila habol ang kaayuan ng isang tao subalit taliwas naman dito ang kanilang gusto. Maraming mapagkunwaring hindi mapili pero hahanap at hahanap din naman ng paraan at dahilan upang matanggihan ang taong hindi pasa sa kanilang panlasa. Makakahanap ka kaya ng tunay na pagmamahal kung lalaking gwapo o babaeng maganda at balingkinitan ang katawan ang lagi mong natitipuhan?