Nagising si Nina dahil sa sakit ng ulo. Hang-over. Parang binabayo. Hinanap nya ang alarm clock sa bedside table nya, wala ito doon. Naihagis nanaman nya siguro kung saan. Hinaplos nya ang ulo nya at napalingon sya sa glass cabinet sa gilid nya. Batman.. Si Batman. Kelan pa sya nagkaroon ng sandamakmak na action figures ni Batman? Suddenly, realization struck her. She's not in her room! Dahan-dahan nyang iniangat ang comforter na nakabalot sa katawan nya. 'Oh my god, I'm naked!' sigaw ng utak nya. Dahan-dahan nyang ibinaling ang tingin sa katabi nya. Para syang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang lalaking nakadapa, hubad, pwet lang ang natatakpan ng kumot at himbing na himbing ang tulog. 'This can't be happening to me!' Panong katabi na nya ang Bestfriend nya sa kama?!