19 parts Complete "Ipagdarasal mo na sana sa susunod na buhay natin ay mapapatawad pa kita!" ~Zoeylla~
Kapag nasaktan ka...lahat ng masasakit na salita ay gusto mong ibato sa kanya. At sa sobrang sakit na nararamdaman mo ay gusto mong patayin nalang sya para kasabay ng pagkawala nya ay mawawala narin yung poot sa puso mo.
Pero bakit sa kabila ng lahat ay nangingibabaw parin yung malambot nating puso? Bakit na ikaw yung nasaktan ay ikaw pa ang magparaya at magpatawad? Bakit iniisip mo parin yung kaligayahan nya? Bakit?
Ganoon ba talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao? O, sadyang tanga ka lang talaga pagdating sa pag-ibig?