13 parts Ongoing May mga tao talagang itinadhana mong makilala... pero hindi para manatili.
Sa isang daigdig na tila laging kapos sa tamang panahon, paulit-ulit silang pinagtagpo-si Drake, ang lalaking may matang laging tila may tinatagong lungkot, at si Nica, ang babaeng masyadong marunong magmahal kahit pa sinasaktan ng pagkakataon, Isang beses silang nagkita sa bus habang parehong pauwi sa magkaibang direksyon. Pareho silang haggard mula sa araw, pero hindi mapigilan ng tadhana ang pagdikit ng mga mata nila. Isang ngiti. Isang sulyap. Pero bumaba si Nica nang hindi man lang nakapagpaalam,Sa isang bookstore. Sa isang ulan. Sa isang ospital. Sa isang lamay. Iba-ibang tagpo. Iba-ibang lugar. Laging tila aksidente, pero laging may koneksyon, Pero kahit gaano pa kadalas silang pagtagpuin ng mundo, lagi rin silang pinaghihiwalay-parang may aninong pilit na humihila sa isa sa kanila palayo sa isa't isa. Minsan isang pangyayaring trahedya. Minsan isang tawag na kailangang sagutin. Minsan isang taong bigla na lang babalik mula sa nakaraan. Hanggang sa napagod na si Nica sa kakahintay. Hanggang sa nagtanong na si Drake: "Bakit hindi pwedeng sabay tayong piliin ng tadhana? Ngunit paano kung may dahilan kung bakit sila laging pinaglalayo? Isang lihim na kailangang tuklasin. Isang kasaysayang hindi pa nila alam... na noon pa pala silang dalawa magkaugnay. At kung kailan handa na silang ipaglaban ang isa't isa-doon nila maririnig ang pinaka-misteryosong sagot ng lahat."Hindi lahat ng pag-ibig, para sa ngayon.