M U T A N T - G
  • Reads 45
  • Votes 9
  • Parts 5
  • Reads 45
  • Votes 9
  • Parts 5
Ongoing, First published Aug 12, 2020
Mature
PROLOGUE
	Ang manunulat ay ipinanganak sa panahon na nagsisimula ang Pilipinas ng isang panibagong yugto pakatapos ng Martial Law na idineklara ng noo'y Pangulong Ferdinand Edralin Marcos. Hanggang sa habang siya'y lumalaki ay kinagisnan naman niya ang panahon ng Jukebox, Slow Rock at mga Superheroes. Naging bahagi ng kasiyahan niya bilang bata ang mga larong payak, payak na patakaran at payak na kasiyahan tulad ng tagu-taguan, tumbang preso, step yes, luksong tinik, luksong baka, touch ball, water game at marami pang iba. Lahat ng ito'y nagagawa niya kapag nabibigyan siya ng pagkakataong lumabas. Ngunit karaniwa'y mas pinipili niya ang manatili sa loob bahay, makinig ng mga drama sa radyo at higit sa lahat magbasa ng komiks ng mga paborito niyang kuwento na sinusubaybayan, lalong-lalo na ang mga kuwento tungkol sa superheroes. Kung kaya't kinikilalala ng manunulat na ang kaniyang akda ay inspirasyon ng paborito niyang karakter ng XMen. Ngunit sisikapin nitong maging orihinal at itatampok pa rin ang kultura at aspeto na may kinalaman sa kulturang Pilipino. Marami nang pinagdaanang pakikibaka ang Pilipinas. Hanggang sa humantong ang henerasyon ng maunlad na siyenseya at teknolohiya.
All Rights Reserved
Sign up to add M U T A N T - G to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos