Sinuway ni Alliah Loraine Soreño ang pangarap ng kaniyang mga magulang para sa kaniya, ang maging isang sikat na inhinyero sa kanilang probinsiya ngunit mas nanaig pa din ang kaniyang prinsipyo at pinili ang maging guro. Isang gabi, habang kinakalikot nito ang kaniyang account ay napukaw siya ng atensiyon ng isang sikat na pangalan sa unibersidad na kaniyang pinagtatrabahuan na hindi niya inakala sa buong buhay niya na ang pangalan na iyon ang gugulo sa kaniya.