A D O P T E D | C H I L D Isang pamilya ang nagbakasyon sa isang lugar sa Thailand, sa inaasahang pagkakataon ay nakahanap sila ng isang bahay-ampunan kung saan hindi na kailangan pang dumaan sa maraming proseso para makapag-ampon. Umiwi sila ng Pilipinas dala ang walong taong gulang na batang lalaki nang walang dalang LEGAL NA PAPEL galing sa bahay ampunan, ngunit isang palaisipan kina Gaenesy at sa mamamayan ng kanilang compound ang pagkawala ng mga batang nasa walong taong gulang din simula noong dumating ang batang ampon ng kanilang kapit-bahay. Ang unang kutob ni Gaenesy na ang batang ampon ang kumukuha ng mga bata sa kanilang compound pero tila bumalatay rin sa kanyang isipan na... Ano namang gagawin ng batang ampon sa mga batang kinukuha n'ya? At... Ano namang kakayahan ng batang ampon na magtago ng maraming bata samantalang siya ay may kapansanan?