Isang babaeng naghahanap ng alaala sa nakaraan-yan ang patuloy na ginagawa ni Yassi hanggang ngayon. Alam niyang punong puno ng mga magagandang alaala ang nakaraan niya dahil nararamdaman niya iyon, hindi nga lang niya alam kung saan at paano siya mag-uumpisa na hanapin ang nakaraan niya. Samantala, sa katauhan ni Von-isang mayaman at heartthrob na lalaki ang patuloy na umaasa na magkikita pa sila ng kanyang kababatang si Isabelle na kanyang iniwan sampung taon na ang nakakaraan para maging dalubhasa sa larangan ng medisina. Ito rin ang naging inspirasyon niya sa pag-aaral dahil na rin sa kapansanan nito sa pangingin. Isang babaeng may naiwang nakaraan nga ba ang siyang makakapaglimot sa kanya sa babaeng patuloy na minamahal ng kanyang puso?
3 parts