My First ever story please support and read it. Purong Tagalog lang tayo mga frenny. Lumuluha ako habang unti-unting naglalakad paalis sa lugar na kinalakihan ko. Sa lugar kung saan ang mga masasayang alaala na kinagisnan ko ay biglang naging isang bangugngot. At sa aking unti-unting pag-alis ay ang paglimot sa aking pagkatao na nabahiran ng sakit at pagkamuhi hindi lang sa mga taong may kasalanan sa akin kundi pati saaking sarili. At sa panibagong landas na aking tatahakin ay matatagpuan ko ang lalaking wagas akong mamahalin at nangakong hindi ako sasaktan. Ang lalaking magbibigay sa akin ng iba't ibang pakiramdam. Ngunit dapat ko nga bang paniwalaan ang pagmamahal na inaalay niya sa akin? o dapat ko siyang ipagtabuyan at dalhin ang masakit na nakaraan sa kasalukuyan.