Story cover for Ang Binukot by danniyayow
Ang Binukot
  • WpView
    Reads 42
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 2
  • WpView
    Reads 42
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 2
Ongoing, First published Aug 16, 2020
Nang maisilang siya ay nagbunyi ang lahat dahil sa wakas ay magkakaroon na ng anak ang pinakamamahal nilang Datu. Kakatwa lamang na sa araw ng kaniyang kapanganakan ay ang siya ring paglitaw ni Bakunawa, ang pinaniniwalaang isang higanteng serpyenteng naninirahan sa karagatan na may hangaring kainin ang nag-iisang buwan. Naniniwala ang Punong Babaylan ng kanilang banwa na ang sanggol ay natatangi sapagkat nang isilang siya'y hindi ito tumangis bagkus ay mahimbing at kalmado itong natutulog lamang. Ano kaya ang kakatwa sa sanggol na ito? Mapapagtanto ba ng lahat na bukod sa siya'y maging isang binukot ay may iba pa siyang tungkuling gagampanan sa kanyang paglaki? Ano kaya ito? Mapagtatagumpayan ba niya ito? O sa huli'y tatalikuran niya ang tungkulin at mas pipiliing biguin ang lahat?
All Rights Reserved
Sign up to add Ang Binukot to your library and receive updates
or
#33prinsesa
Content Guidelines
You may also like
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
60 parts Complete
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
You may also like
Slide 1 of 7
Sulat ng Tadhana  cover
Tonyo Chronicles: Ang Paglalakbay ng itinakda cover
Yaya Lingling and the Billionaire's twin  cover
ANACHRONISM  cover
Sa Lilim ng Hacienda Dalisay cover
Sa Harap ng Pulang Bandila cover
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series ) cover

Sulat ng Tadhana

17 parts Ongoing

Paano kung isang araw . . . magigising ka na lamang bilang kontrabida ng isang istorya? At ano ang iyong gagawin sa oras na mahulog ang iyong kalooban sa kapwa mo antagonista? Hangad ng isang manunulat na si Marialunea Sae Caringal ang makalikha ng isang nobela. Ngunit sadyang lahat ng pangarap ay palaging may hadlang at para kay Lune, iyon ay ang writer's block na kaniyang nararanasan. Hanggang sa matagpuan niya ang isang librong magdadala sa kaniya papunta sa ibang mundo...patungo sa ibang pagkatao. At sa bagong mundong iyon ay makikilala niya ang taong magiging hamon sa kaniyang pananaw at prinsipyo na siyang kontrabida sa mismong kuwento-si Heneral Lejandro Almazan. Sa gitna ng kanilang tila walang hanggang bangayan, pag-ibig ba'y magbubunga? Paano kaya ipaglalaban ng dalawang antagonista ang kanilang pagmamahalan? Aayon ba sa kanila ang sulat ng tadhana? ---- Started: 12/26/24 Ended: -