(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang bastarda ng abogadong ama. Isa sa nirerespeto sa liga niya bilang sikat na designer sa bansa at ang bawat salita at gawa niya ay sinusundan ng lahat. Hanggang sa mabago ang lahat ng iisang gabi lang. Hindi si Jericho ang tipo ng lalaking pag-aaksayahan ng oras ni Cinnamon. Walang pangarap sa buhay, walang matinong trabaho-patapon. Ngunit may mga bagay talaga na pinagtatagpo ng pagkakataon sa tama at eksaktong panahon. Dalawang buhay na humahanap ng kani-kanilang lugar sa mundo ang makakahanap ng puwang sa mundo ng isa't isa. Mapaninindigan ba nila ang mamamagitan sa kanilang dalawa kung ipararamdam sa kanila mundo na hindi lahat ng pinagtatagpo ay palaging itinatadhana? ------ A collaborative novel All rights Reserved Lena0209 Aug. 18, 2020