"Itigil ang kasal!" Napatingin kaming sa pinanggalingan ng boses na yun. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa liwanag ng araw na nanggagaling mula sa pinto. "Hindi na natin maaring ituloy ang kasal na ito." Binaling ko ang tingin ko sa pari upang pakiusapan na ituloy and kasal ngunit huli na dahil nakaalis na ang pari. "Hindi! Hindi pwedeng mangyari 'to! Hindi pwede!!!" "I'm sorry Zhazha." Nakita kong tumalikod siya sakin at tinungo ang babaeng sumira sa araw na pinapangarap ko. "Isinusumpa ko! sampung beses ng sakit na naramdaman ko ang mararamdamn niyo!"