"Aaaa!" tarantang tili ni Hyzelt habang nagtatakbo. Ngising-ngisi ang lalaking malaki ang katawan, mahaba ang buhok at balbas habang hinahabol siya. Hindi niya alam ang gagawin kaya na-blangko na lamang siya nang makitang malapit nang makarating sa rehas, napapikit na lamang siya. Walang anu-ano'y lalong bumilis ang takbo niya at tuloy-tuloy sa rehas. Sa bilis ay nagawa niyang lumakad sa rehas sabay backflip. Nang maramdaman niyang lumapag siya sa lupa ay napadilat siya. Gulat na gulat nang makita na nasa likod na pala siya ng kalaban. "Pa-paano?"
4 parts