Si Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasalukuyan at nakaraan. Malalaman nila ang katotohanan.. ngunit masamang balita ito. Ano kaya ang gagawin nila? Itutuloy pa ba nila ang nasimulang pagmamahalan o tatabunan na lang ito ng galit at sakit sa puso?