Nasa ospital noon si JC nagkasakit kasi sya. Inadmit sya dahil parang hindi na sya makakain. Lahat ng kinakain niya ay kanya lamang sinusuka. Eto na dumating na sya sa ospital. Masyado syang galit sa ospital. Hindi niya gusto ang climate at ang mga tao sa ospital. She hated hospital too much. Nakadextrose syang ipinasok sa ward. Ang mga kasama niya sa ward subrang ingay. Walang breeding ika nga. Subrang lamig pa talaga ng ward. Nakabusangot lamang siya. Walang ganang kumibo sa lahat. Ayaw niyang magsalita. Hanggang sa pumasok ang nurse on duty. Matangkad, moreno at subrang gwapo. Total package ika nga. Kinamusta niya si JC. Kumusta ka na maam ang tugon ng gwapong nurse. Tumugon si Jc ng medyo masakit pa rin ang tiyan ko. Ok lang yan maam tugon ng gwapong nurse. Buti nalang nagpunta ka agad at para maagapan ang iyong karamdaman. Grabe ang nurse na yon sa isip ni JC subrang sweet. Pero nadala man sa kasweetan ng nurse nakabusangot pa rin siya. Ang nasa isip kasi niya ang trabahong naiwan sa opinsina. Working lady kasi itong si JC. Paano nalang ang mga stocks na dadating kung wala siya sa ilang araw na pananatili sa ospital. Tambak nanaman ang trabaho pagbalik ng opisina. Mayat maya pumapasok ang gwapong nurse. Nakangiti at may ka sweetan . Ganon nga siguro talaga ang pagiging nurse kailangan sweet lang sa pasyente. Around 11 pm may tumapik sa braso ni JC para sya ay gisingin. Nakatakip ang kanyang mga mata. Dali dali niyang tinganggal ang takip sa kanyang mga mata at naalimpungatan pa. At pagdilat ng kanyang mga mata wari isang anghel ang gumising sa kanya. Ang gwapong nurse pala. Dahil nga naalimpungatan sya nakabusangot pa rin siya.
9 parts