Prinsesa Iyan ang turing ng pitong kapatid ni Amor sa kaniya dahil na rin siguro na sa kanilang walong magkakapatid ay siya lang ang nagiisang babae at ang pinakabata pa sa kanila. Konting mali lang na pagsagot o may makaaway lang si Amor ay todo attack naman ang pito niyang mga maskulado at mga matatapang na kuya. Kung kaya nang sa hindi inaasahang panahon ay nagtagpo ang landas ng isang prinsesa ng mga palengkera ng Montalban at ang Rockstar ng Maynila, ay nagkalindol na lamang bigla sa buong Earth at nadamay pa ang Universe. Meet Amor Magallanes, isang bente anyos na nilalang, running for Magna cum laude sa pagiging isang palengkera sa lungsod ng Montalban and with great honors sa pagiging amazona lalong-lalo na sa mga feeling seksing kalaban nila sa pagbebenta ng mga karne sa talipapa. Parang lalaki kung makipaglaban, walang inuurungan at walang makakapagil sa kaniya. Meet Kurt Dolan Obico, ang bahista at sub-vocal ng isang uprising na banda sa Pilipinas. Busy sa paghahakot ng mga babae at beki na handang-handang tumili para sa kaniya at sa buong banda. Parang babae o mas daig pa ang mga babae pagdating sa kaartehan sa katawan at sa mga bagay na nakapalibot sa kaniya. It's cliché, I know, pero pano kaya kung mag-shakalaka-boom ang mundo ng dalawa? May chance ba na magkasundo sila o kailangan na bang maghanda sa mangyayaring World War III? Written by: GreenPs All Rights Reserve 2020
4 parts