Death Academy Part 1: Death Policy Lahat naman ng eskwelahan ay palagi nalang may kakaibang kwento. Minsan masaya, malungkot pero syempre hindi mawawalan ng kwentong katatakutan. Well, hindi mo naman masisisi ang paaralang pinasukan ko dahil kakaiba ang school policy rito. Kailangan lahat kayo magaling. Kailangan lahat kayo matalino. Bawal ang bagsak rito lalo na kapag may exam. Kailangan mo talagang galingan sa pag-aaral mo dahil kung bagsak ka sa pagsusulit, buhay mo ang kapalit.