Kapag maririnig natin ang salitang 'ex'... madalas papasok sa isip natin yung mga nasa negative side. Mga mapanakit, mga naging dahilan ng pagkasira mo, mga naging dahilan kung bakit ka malungkot. Ang laki talaga ng impact kapag nakikita o naririnig natin ang salitang iyan, tipong ekis na siya sa buhay natin. Pero bakit sa isang treasure map, kung nasaan ang pinakahinahanap nating kayamanan, naroon nakatatak ang 'X' na pinakainiiwas-iwasan natin. Siguro nga, minsan ang ending na inaakala natin, naroon pala ang simula ng isang panibagong yugto ng buhay kung saan matatagpuan na natin ang pinakainaasam-asam nating kaligayahan. Pinaglayo man sila noon, tadhana pa rin ang gumawa ng paraan para muling magtagpo. PS: You may find my story a cliche but I hope magustuhan niyo rin😁.All Rights Reserved