Si Eidderf ang binaligtad na si Freddie. Higit sa pangalang binaligtad, siya ay idealistiko at may natatanging dunong- dunong na hindi lang sa akademya nakukuha kundi sa mga aral ng karanasan at ng kahapon. Para sa kanya ang buhay ay parang tubig, umaaagos ayon sa malaya nating kapasyahan. Nahuhubog ang buhay sa mga lalagyan ayon sa ating kagustuhan. Ang buhay ay repleksyon ng eksitensya, hindi lamang ng pagkakakilanlan kundi ano ang kahulugan ng buhay kung ikaw ay ikinahon sa limitadong pagkakakilala ng lipunan . Ay buhay ay isang malaking entablado kung saan ang bawat isa ay may papel na ginagampanan sa buhay, payaso, aktor, direktor, bida at kontrabida. Ngunit ano kaya ang papel na gagampanan ni Eidderf bilang isang tao na nasadlak sa karimlan?Ang karimlan nga ba ang background ng nagniningning na liwanang mula sa pamilyang disente, marangya at kaaya-aya? Ang pagyakap ba sa dilim ay pang-habambuhay? Samahang sagutin ang pinakamatalinghagang palaisipan ng buhay, ano ang kaganapan ng pagkatao kung nasadlak sa karimlan. Please take note that this is protected by copyright.
13 parts