Teacher and student relationship? No, no, no. Teacher and guardian relationship? Uhmmm Kapag narinig nilang guro ka, malamang sa malamang ay iniisip na nilang tatanda kang dalaga. Bibihira ang mga lalaking guro kaya bihira mo ring marinig ang mga salitang tatandang binata. Bakit ka nga naman kasi tatandang binata kung ang pinakamalaking populasyon ng guro ay mga kababaihan. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede kang mamingwit at pumili ng para sa iyo na hindi pa iniwanan ng regla. Kaya malaking palaisipan kay Teacher Owen ang hindi pagkakaroon ng kasintahan mula ng mag-aral siya sa kolehiyo at magserbisyo sa napili niyang propesyon. Habang kaharap ni Teacher Owen ang kanyang laptop, naisip niya na paano nga kaya siya magkaka-girlfriend kung inasawa niya na ang lesson plan at nag-anak ng sandamakmak na objectives na kailangang pagtuunan ng pansin upang mapunan ang pangangailan? Para kay Esther, ang isang lalaki ay katumbas ng sampu sa buhay niya. Kung sana ganito rin sa pera ay baka namakyaw na siya ng lalaki. Sa nakababatang kapatid na lalaki palang na ubod ng kulit at amang matigas ang ulo ay kotang-kota na siya sa konsumisyon. Kaya naman hindi na pinangarap ni Esther na humanap ng lalaking magmamahal sa kanya dahil baka imbes na lumagay sa tahimik ay baka mas lalo lang gumulo ang buhay. Paano kaya ang magiging takbo ng istorya kung ang nagnanais wakasan ang pagiging buhay binata ay nahanap ang isang babaeng kuntento na sa buhay dalaga? ~~~~ Cover credits to google.All Rights Reserved