"What the heck are you doing here?" nanggagalaiting saad ng asawa sa kaharap nito. "Pweding papasukin mo muna ako bago mo ako bulyawan? pwedi?" nakangiting tugon naman ni Mc sa asawa. "And why would I do that?" nanggagalaiting saad parin ng asawa. "Dahil from now on this is also my home, kaya tabi" walang preno namang pumasok si Mc sa bahay ng asawa. Wala itong pakialam sa magiging reaksyon ng asawa sa ginawa niya. Agad namang hinigit ng kanyang asawa ang braso ng niya upang palabasin ito sa bahay. "Arrggh! umalis kana pwede? saka who do you think you are para dito ka tumira sa bahay ko?!" "opps wait hindi ata tayo nagkakaintindihan--" pinutol ng kanyang asawa ang sinasabi ni Mc. "Anong hindi nagkakaintindihan huh? baka ikaw itong hindi makaintindi na BAHAY KO ITO kaya alis" pinagtulakan parin siya ng kanyang asawa papalabas ng gate. "Sandali nga!" inalis agad nito ang pagkakahawak sa braso niya ang kamay ng asawa. "Hindi mo ako pweding paalisin dito dahil nga BAHAY KO DIN ITO! naiintindihan mo?" "Paano mo nga ito magiging bahay! eh ako ang bumili at nag desenyo nito!" giit muling sabi ng kanyang asawa. "Pero ako ang ASAWA mo tapos." "Arrrggghhhhhh!!!"All Rights Reserved