Vanessa Athena Madrigal, fourth year high school student sa isang School for elites ang ST. Andrew's Academy. Maganda , mayaman, mabait.. name all the characteristics of an ideal girl nasa kanya na lahat. Dahil fourth year siya napagkasunduan ng mga barkda niya na sulatan ang mga crushes nila and give those letters personally dahil gusto nilang maging memorable ang last days nila as high school students. Pero iba ang nayari sa kanya. Imbes na sa crush niyang si Joshua Alvarez na captain ng kanilang basketball team, ay naiabot niya ito kay Sander Christian Harrison, ang gwapo ngunit mayabang na anak ng may-ari ng school na pinapasukan niya. Para makuha niya ulit ang sulat kailangan niyang maging slave nito ng isang buwan. Makakaya kaya niyang makuha ang sulat o magkamali siya't puso nito ang kanyang makuha?